Julia Barretto Napakanta Sa Kanyang 26th Birthday!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Jerome


Tila masaya at nag-eenjoy ang actress na si Julia Barretto sa kanyang 26 birthday, kitang kita ito sa mga ibinahaging video sa social media story ng kanyang mga kaibigan na dumalo at nakipagsaya sa kanyang kaarawan.


Makikita nga sa ilang binahaging post ang mga kaganapan sa celebration ng actress, dinaluhan nga ito ng kanyang mga malalapit na kaibigan kaya't sobrang-saya nga ni Julia.


Matatandaang pinabulaanan noon ni Julia Barretto ang mga usap-usapang hiwalayan nila ng actor na si Gerald Anderson, diretsahang nilinaw ng actress ang kanyang panayam kay Karen Davila.


Sabi niya na walang katotohanan ang bulong-bulongan na nag hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.


Makikitang tiwalang-tiwala nga si Julia sa relasyon na mayroon sila ni Gerald Anderson sa kabila ng mga banat ng mga bashers nila na hindi daw malayong maghiwalay din sila ni Gerald.


Ramdam daw ng actress na hindi siya sasaktan ng boyfriend niya. Saad niya, "I don't think I get into a relationship with somebody na I don't trust, so I do trust him and he shows me that every single day there's just no reason to doubt."


Bukod pa nga daw dito ay panatag din daw siya sa kanilang relasyon dahil nasa seryosong istado na daw sila ng kanilang relasyon.


 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo