Zeinab Harake at Rosmar Tan, trending matapos magkasagutan sa social media

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Sparkle

 


Napag-usapan ang tugon nina Zeinab Harake at Rosmar Tan matapos mag-post si Rosmar ng screenshot ng reaksyon ni Zeinab sa side-by-side picture ni Rosmar at Brilliant skin CEO Glenda Victorio na nakasuot ng halos magkaparehong disenyo. 


Hindi naman itinanggi ni Zeinab na talagang natawa siya.


Sa mismong post ni Rosmar, nagkomento si Zeinab na talagang natawa siya. Sabi niya, wala naman daw silang sinabing masama para sabihing masama silang tao.




"May masama bang nasabe jan para masabe nyong masama kami agad? Sa totoo lang tayo mga be wag kayo nagagalit di ako nagagalit pag ako yung pinag tatawanan nyo ha kaya kalma mwa."




Sinagot ito ni Rosmar at inalala kung gaano niya idolo si Zeinab.


"Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag tricycle pa ako sa recto para mag hanap ng mga kuneho. Dahil gusto ko dalhin sayo para makapag papicture man lang ako sayo. "




Matatandaang naging bahagi ng concert si Zeinab para sa Brilliant Skin brand.


Si Zeinab Harake ay isa sa mga pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na may milyun-milyong subscriber. Matatandaang naging kontrobersyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. 


Sila ay biniyayaan ng isang anak ngunit sa huli ay naghiwalay.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo