Maegan Aguilar Inawit Sa Sariling Bersyon Ang Kantang Anak Na Pinasikat Ng Kanyang Ama Na Si Freddie Aguilar!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Patuloy pa ring lumilikha ng ingay ngayon ang viral video ni Maegan Aguilar habang kinakakanta sa videoke ng awiting “Anak” na pinasikat noon ng kaniyang amang si Ka Freddie Aguilar.


Ang video ay ibinahagi ng isang Mariz Mattila noon pang March 5, subalit hanggang ngayon ay malaking usapin pa rin lalo pa't hindi pa rin nagkakasundo ang mag-ama.


“Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa,” caption nito sa kanyang video post.


Matatandaan na naging mainit ang pahayag ni Maegan kung saan pinagbawalan niya ang kanyang pamilya sa kahit paglapit sa kanyang bangkay.


Gayunpaman, umaasa pa rin ang marami na sana ay magka-ayos na ang dalawa dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo ay mag-ama pa rin sila.


May ilan pang nagpayo rito na magvlog na lang upang kumita at nang matulungan ang sarili at hindi na aasa sa tulong ng iba.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo