Jason Hernandez Nasaktan Sa Mga Pasaring Ni Moira Dela Torre Sa Kanya Sa Pamamagitan ng Awit!

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang estranged husband ni Moira Dela Torre na Jayson Hernandez hinggil sa mga pasaring ni Moira sa kanya gamit ang ilang mga kanta.


Sa media launch ng “The Write One,” ang kauna-unahang seryeng collaboration ng GMA Network at Viu Philippines na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali nakapanayam ng ilang press si Jayson Hernandez.


Si Jayson Hernandez ang siyang sumulat at umawit ng theme song ng nasabing teleserye.


Ayon kay Jayson nang makorner ng press, namalagi siya sa El Nido, Palawan at nagpahinga. 


Tahimik daw ang buhay roon kaya somehow, naiintindihan na niya ang aktor na si John Lloyd Cruz kung bakit ito namalagi sa naturang bayan matapos ang matagal-tagal na hiatus sa showbiz.


Ipinahayag din ni Jayson na okay na siya at nakapag move on na sa nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang estranged wife na si Moira Dela Torre.


Nausisa rin ang singer-songwriter kung ano ang mga reaksyon niya sa mga minsang “pahugot” ni Moira na obviously, dahil alam naman ng lahat ang nangyari sa kanila, siya ang unang-unang maiisip na puwedeng patungkulan nito. 


Medyo naging makahulugan ang mga naging sagot ni Jason Hernandez sa tanong na ito.


“Honestly, tinatanggap ko na lang kasi nagkamali naman talaga ako. I deserve it. May mga details lang na iba, pero okay lang yun. Gano’n kasi ako, eh. Never n’yo maririnig na gaganti ako.”


Ayon pa kay Jason na isasa-Diyos na lamang niya ang lahat dahil ito lamang ang nakaka-alam sa totoong nangyari sa kanila ng dating asawa.


“Naniniwala kasi na si God na bahala sa kaniya. Siya na ‘yong mag-aano. I really don’t need to defend…”


Samantala, wala pa namang tugon mula sa kampo ni Moira Dela Torre, hindi pa sila naglalabas ng anumang statement patungkol rito.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo