Lyca Gairanod Sa TikTok Nakilala Ang Unang Boyfriend!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Inihayag ng The Voice Kids winner na si Lyca Gairanod sa kanyang guesting sa Magandang Buhay na sa Tiktok app niya nakilala si Kyle Walle, ang kanyang unang boyfriend.


Ayon kay Lyca, hindi umano alam ni Kyle na isa siyang artist at siya rin ang unang nagkomento sa post ng binata.


“Hindi niya po ako kilala as an artist. Nakita ko po siya sa TikTok… parang dumaan lang po siya sa FYP ko, alam mo yung mga scroll-scroll lang…”


Matapos ang ilang araw nang magkomento siya sa post nito ay nag-DM ito sa kanya. Mula noon ay nakakausap na niya ito.


Ipinahayag din ni Lyca bago nanligaw sa kanya si Kyle at nakipagkita muna ito sa kanya at kinilala ang kanyang pamilya.


Naranasan din umano kaagad niya ang long distance relationship dahil nagpunta si Kyle sa US. Gayunpaman ay naging maayos naman umano ang kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo