Cristine Reyes at Marco Gumabao Kumpirmadong May Relasyon......

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Jerome

 

Usap-usapan ngayon sa social media kung ano nga ba daw ang namamagitan ngayon kina Marco Gumabao at Cristine Reyes.


Marami kasing mga lumalabas ngayon sa social media kung saan makikitang magkasama ang dalawa ng magbakasyon sa Shargao.


Bukod pa daw dito ay may napansin pa daw ang mga netizen sa isang video na inapload ng scubadiving instructor na tila napaka sweet daw ng dalawa sa nasabing video.


Sa isang vlog ni Ogie Diaz ay napanayam si Marco at natanong nga si Marco ng Talent manager Ogie Diaz kung may namamagitan ba o sila naba ni Cristine pero sagot ni Marco ay si Cristine nalang daw ang tanongin nito ukol dito.


Sa ngayon ay hindi pa talaga malinaw kung ano ba talaga ang namamagitan sa dalawa pero ayon sa ibang mga netizens ay abangan nalang daw natin kung mayroon ba silang mga bagong pasabog sa mga darating pang mga araw.


O kung talagang gimik lang nila yong mga lambingan iyon na napapabalita.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo