Lolit Solis, Sinabing Cheap Ang Mga Pahayag Ni Pokwang Laban Kay Lee O’Brian!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Sa kanyang kamakailang Instagram post inilabas ni Manay Lolit Solis ang kanyang mga saloobin sa sunod-sunod na birada ng komedyanteng si Pokwang laban sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian.


Ayon kay Manay Lolit Solis, ka-cheapan umano ang mga pinaggagawa ni Pokwang laban kay Lee na hanggang ngayon ay nananahimik lamang at tila nagmo-move on na.


Mahahalata din umano sa mga banat ng aktres na hanggang ngayon ay bitter pa rin ito sa nangyaring hiwalayan nilang dalawa.


“Alam mo ba na napaka cheap ng dating ng mga sinasabi ni Pokwang dahil para bang bitter na bitter siya sa hiwalayan nila,” prangkang pahayag ni Manay Lolit Solis.


Dagdag pa ni Manay Lolit Solis na tila naghahangad pa si Pokwang na muling balikan ni Lee dahil hindi pa rin ito matahi-tahimik.


“Para bang hinahabol pa niya iyon EX dahil ayaw niya tumigil mag comment tungkol dito,” saad pa ni Lolit Solis.


"Di ba mas classy sana na wala lang, ok lang, go kung go. Kasi pag nagbigay comment ka pa hahaba pa, eh kung talagang wala ka ng paki, di tahimik lang,” pagpupunto pa ni Manay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo