Liza, Ibinunyag Na Si Enrique Sana at 'Di Si Alden Ang Gaganap Sa Hello Love Goodbye!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Pinaunlakan ng aktres na si Liza Soberana ang Lie Detector Test challenge ng Kapuso actress na si Bea Alonza sa kanyang vlog, kung saan isa sa mga naitanong kay Liza ang ang tamabalan nila noon ni Enrique Gil.


Nabanggit rin ni Liza rito na sila sanang dalawa ni Enrique ang bibida sa Hello Love Goodbye na pinagbidahan noon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


"At the time that when I was in a love team, hindi ko naisip na problema siya. Actually, 'yung Hello, Love, Goodbye ni Kathryn and Alden was actually offered to Quen and I first," pagsisiwalat ni Liza.


Subalit hindi umano nila ito kinuha dahil may nauna nang nakaline up sa kanila. Nalaman na lamang umano niya na si Kathryn ang inalok kung saan si Enrique ang magiging partner nito at hindi si Alden.


"Tapos, when we're doing Bagani, nabalitaan ko that... At first they offered it to Kathryn and Quen. And that scared the sh*t out of me. I was like, why would they do that? I asked them to save the project for me and Quen, parang please wait for us," pag-amin pa ni Liza.


Inakala nilang mahihintay pa umano sila ng pelikula gayung dini-develop pa raw umano ang kwento nito. Subalit nabalitaan na lamang nila na tuluyan na raw itong napunta kina Kathryn at Alden.


Gayunpaman ang pangyayaring ito umano ang isa sa mga nakapagpa-realize sa kanya na marami siyang hindi nagawa bilang aktres dahil siya'y nakakahon lang sa iisang love team.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo