Lolit Solis Humabol Pa Sa Mga May Mensahe Kay Liza Soberano!

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Lovely


 Nagreact na ang veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mga binitiwang pahayag ni Liza Soberano sa kanyang vlog.


Sa Instagram post ni Manay Lolit Solis, ipinahayag niya ang kanyang disappointment sa naging pagsisiwalat ni Liza Soberano.


Sinabi pa ni Lolit Solis na tila nabuksan ng aktres ang 'pandora's box' nang i-upload niya ang kanyang vlog.


Ipinunto ni Lolit na madalas makita ng ibang celebrities, tulad ni Liza, kung ano ang gusto nilang ireklamo pagkatapos sumikat.


"Iyon pagbubukas ni Liza 'Hope' Soberano ng pandora box, iyan ang laging hinaing ng bawat star na sandaling nakarating sa itaas."


"Pag nasa itaas na kasi sila, para bang tsaka lang nila nakita iyon mga bagay na nagiging reklamo nila. Para bang utang na loob pa ng mga taong nakasama nila ang narating nila," pahayag ni Lolit Solis.


Tinawag pa ni Lolit Solis na 'false feelings of sacrifice' ang nararamdaman ngayon ng aktres.


"Iyon false feeling of sacrifice na sinasabi nilang nangyari sa kanila. Iyon nawalan sila ng identity, iyon privacy, iyon naging para silang puppet. Hindi na lang sila magpasalamat na sumikat sila, na kumita sila ng malaki, na naging masarap ang buhay nila."


"Nakakatawa nga na pagkatapos magtamasa sa masarap na buhay, bigla may complain sila ng mga bagay na naging sacrifice nila," dagdag pa ni Lolit Solis.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo