Rosmar and Zeinab Harake Issue! Zeinab at Rosmar Nagsagutan Sa Social Media! Rosmar Napaiyak !

Miyerkules, Marso 1, 2023

/ by Jerome

 

Hindi ikinatuwa ng CEO na si Rosmar Tan, ang naging reaction daw ng vlogger na si Zeinab Harake sa kanyang naging concert.


Isang netizen daw kasi ang nag post sa kanyang story ng picture nina Rosmar at Brenda na tila ba ipinagkukumpara ito, at dito nga ay nagcomment si Zeinab at si Rabiya Mateo.


Hindi nga ikinatuwa ni Rosmar ang mga commento ng dalawa, kaya nga lumaki na ang issue dahil sa pagpapalitan nila ng mensahe.


Bwelta ni Zeinab Harake sa naging post ni Rosmar sa kanyang social media account, "Ang lilinis n’yo, pag kayo natawa pwede pag kami hindi? Nung kami yung tumawa masama agad pero sa dami ng basher at nag hahaha react palagi sayo unbothered ka? Awit whahahaha tinatanggalan n’yo na ba talaga kami ng karapatan matawa?"


"Di naman tayo friends or magkakilala personal te at isa pa sinong di matatawa eh obvious naman talagang ginaya 😂 May masama bang nasabe jan para masabe n’yong masama kami agad?"


"Sa totoo lang tayo mga be wag kayo nagagalit di ako nagagalit pag ako yung pinag tatawanan nyo ha kaya kalma mwa,” komento ni Zeinab.


Sinagot din naman ni Rosmar ang komentong ito ni Zeinab Harake sabi ni Rosmar. "Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag-tricycle pa ako sa Recto para maghanap ng mga kuneho."


"Dahil gusto ko dalhin sa’yo para makapagpa-picture man lang ako sa’yo, ending nagbago isip mo kaya di mo na kailangan ang kuneho, kaya di kita nakita. Pero inintindi ko na lang yun at inalagaan ko na lang yung mga kuneho.”





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo