Liza Soberano Inamin Na Ang Totoong Relasyon Nila Ni James Reid!

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Lovely


 Naitanong ni Bea Alonzo sa actress na si Liza Soberano sa guesting nito sa kanyang vlog kung may relasyon nga ba sila ni James Reid.


Kilala si Liza Soberano bilang isa sa mga artista sa bansa na biniyayaan ng natural na ganda. 


Hindi na mabilang ang mga proyektong ginawa ng Filipina-American actress sa ilalim ng ABS-CBN network subalit mas tinututukan ngayon ng dating Kapamilya actress ang kanyang international career.


Sa kanyang panayam kay Bea Alonzo para sa isang vlog, inihayag ng aktres na lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang mga lolo't lola. 


Inamin din niya na mayroon siyang hinanakit sa kanyang mga magulang habang ang mga lolo't lola ang umako sa kanilang mga responsibilidad ngunit maayos na umano ang relasyon nila ngayon. Idiniin pa niya na kuntento na siya sa kung ano man ang meron.


Samantala, sa tanong naman ni Bea Alonzo kung may 'thing' ba sa pagitan nila ng kanyang manager na si James Reid, malinaw na sinabi ni Liza na wala silang relasyon.


Nilinaw din ni Liza ang dahilan kung bakit hindi na siya nagbabahagi sa kanyang mga social media accounts nang mga larawan nila ng aktor at boyfriend na si Enrique Gil.


“To box a woman like that is so dangerous actually for their mental health, also for their growth not just as a professional but as an individual… But me and James, no, we never had a thing,” pahayag ni Liza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo