Mga Fans Ni Kathryn Bernardo Bumwelta Sa Pahayag Ni Liza Soberano Tungkol Sa Pelukulang Hello, Love, Goobye!

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Lovely


 Ibinunyag ng aktres na si Liza Soberano na ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay unang inalok sa LizQuen at hindi ito nagustuhan ng ilang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo.


Sa isang kamakailang lie detector challenge vlog na ibinahagi ng Kapuso actress na si Bea Alonzo, ibinunyag ni Liza na ang kasalukuyang highest-grossing film ay unang inalok sa kanya at sa kanyang reel at real-life sweetheart na si Enrique Gil.


Sa panahong iyon ay kasalukuyan nilang ginagawa ang teleseryeng Bagani. Subalit, hiniling umano ni Liza na sa Star Magic na hintayin silang matapos sa kanilang teleserye.


Gayunpaman nabalitaan na lamang umano niyang sina Kathryn at Alden na ang nakakuha ng proyekto.


Samantala, matapos ang pagsisiwalat na ito ni Liza, marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang naglabas ng kani-kanilang opinyon hinggil sa pagsisiwalat ni Liza.


Ipinunto pa ng ilan na ang role bilang si Joy Marie Fabregas ay nararapat talaga kay Kathryn.


Dagdag pa ng ilan na hindi nila maimagine kung si Liza ang gumanap sa dating role ni Kathryn.


Napansin din ng ilang netizens na contrasting ang mga pahayag ni Liza. Sinabi ng aktres na gusto niyang makalayo sa pagkakahon sa isang love team pero nang may ialok kay Quen na project kasama ang isa pang leading lady, nag-alala ito.


"Bat ganun parang contrasting yung sinasabi ni liza. Ayaw niya macaged sa loveteam pero ayaw naman niya magexplore ng ibang pairs silang dalawa ni quen. Legit yung naooffer kay quen yung hello, love, goodbye??"


"Paano na lang kaya kung ung Its okay not to be okay ay maibigay din kay 

@bernardokath

 at mag hit din ito. Eh di lalo ng umiyak si Liza. Jusko po girl. Hello Love Goodbye ay para tlga kay kath at alden. Move on na."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo