Chito Miranda Pinakita Ang Lagay Ng Bandmate Na May Cancer! Nakakaiyak!

Monday, March 6, 2023

/ by Jerome

 

Emotional na ipinakita ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ang kalagayan ngayon ng kanyang ka bandmate na may sakit na cancer.


Matatandaan kasi ang gitarista ng Parokya ni Edgar na si Gab ay na diagnose na mayroong cancer na lymphoma at kinailangan niyang sumailalim sa chemotherapy treatment.


Makikita nga sa mga larawan at videos na ipinost ni Chito Miranda sa kanyang social media account na malayo na ang dating hitsora ni Gab sa kalagayan niya ngayon, kalbo na rin daw siya dala ng Chemotherapy.


Pero kung noong una nga daw napagbabahagi ni Chito ng mga larawan ni Gab na tila nga ay nag hihingalo ito, ay ngayon naman ay masaya nga niyang ibinahagi na mabuti na raw ang kalagayan nito ngayon.


Samantala bukod naman kay Chito Miranda, ay kasama rin niyang bumisita ang ilan pa nilang kasamahan sa banda na Parokya ni Edgar.


Naging caption naman niya sa kanyang post. "Binisita namin si Gab kanina bago kami tumuloy sa gig namin sa Qc."


"Sobrang aliwalas nya tingnan!!!"πŸ’š


"Nagpapalakas lang sya para maipag-patuloy nya yung chemotherapy nya, and tuluyan na syang gumaling."πŸ˜ŠπŸ‘πŸ»


"Maraming maraming maraaaming salamat sa lahat ng mga tumulong at patuloy na tumutulong kay Gab!!!"


"Mahaba-haba pa 'tong laban na 'to, pero pramis, kahit gaano pa kahaba yung laban ni Gab, di talaga namin sya papabayaan."πŸ€ŸπŸΌπŸ˜ŽπŸ’š


Masaya naman ang kanilang mga tagahanga dahil bumuti na ang lagay ng kanilang idulo.




No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo