Cristy Fermin Todo Puri Sa Tagumpay Ni Kathryn Bernardo Lalo Na Sa Pelikulang Hello Love Goodbye!

Linggo, Marso 5, 2023

/ by Lovely


 Inihayag ng beteranang showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang kanyang mga papuri sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo dahil sa mga kahanga-hangang katangian umano nito.


Labis rin ang papuri ni Manay Cristy sa tagumpay ng career nito sa showbiz at sa matagumpay nitong hit movie kasama ang Kapuso actor na si Alden Richards.


Ayon pa kay Cristy, kahit iba umano ang kapareha nito at hindi ang ka-love team at real life boyfriend na si Daniel Padilla, ay kumita pa rin sa takilya ang nasabing pelikula.


"Si Kathryn pa naman ang dami-daming magandangkatangian na pwede mong mai-kolabro sa kanya. Mabait na anak, kapatid, mapagmahal."


"Marunong tumanaw ng utang na loob sa mga produksyon na namuhunan sa kanya at nagmahal sa kanya," pahayag ni Manay Cristy Fermin.


Dagdag pa ni Manay Cristy, na napakalayo ng agwat nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano. Napag-iiwanan pa umano ni Kathryn ang huli.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo