Kira Balinger, Sinagot Ang Mga Paratang Ng Ex Girlfriend Ni Kelvin Miranda Na Nagsasabing Isa Siyang Kabit!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Sinagot na ni Kira Balinger ang akusasyon sa kanya bilang isang kabit na naging dahilan sa hiwalayan nina Kelvin Miranda at ng non-showbiz girlfriend nitong si Roselle Vytiaco.


Matatandaan na noong January 6, 2023, umalma ang ex-girlfriend ni Kelvin tungkol sa panloloko umano sa kanya ng Kapuso actor.


Tahasang binanggit ni Roselle si Kira bilang other woman o ang kabit sa kanilang relasyon.


Ibinahagi pa ni Roselle ang conversation nina Kira at Kelvin na naglalandian.


Kaya naman sa kamakailang panayam nilinaw na ni Kira ang isyu at ipinagdidiinang hindi siya kailanman naging third party.


"Hindi po ako third wheel. Kung anuman naging usapan nilang dalawa ng ex niya, out na po ako dun. If there's somebody Ate Girl should talk to, it should be him," diin ni Kira patungkol kina Kelvin at Roselle.


Ipinahayag din niya na wala siyang alam na may nobya pala si Kelvin. Nilinaw din niya na hindi sila nagkaroon ng relasyon bukod sa palitan nila ng chats.


"Pero honestly, from my point of view, wala akong alam. And I can confidently say hindi ako kabit, gaya ng sinasabi ng lahat, like what she made me out to be. So, wala po akong alam."


"To be fair, hindi kami. Chats lang yun. Ni minsan, ni minsan di kami lumabas together. In the lock-in, we had our PAs. It was always, after the set, sleep, done."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo