Kris Bernal, Dinededma Ni Aljur Abrenica!

Miyerkules, Marso 22, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng aktres na si Kris Bernal na hindi na umano niya alam kung magkaibigan pa ba sila ng dating ka-loveteam na si Aljur Abrenica.


Sa naging guesting ni Kris Bernal sa programa ni Tito Boy sa GMA7 na Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lang ay inamin niyang hindi sinasagot ni Aljur ang kanyang mga messages tungkol sa pakikipag collab.


“Hindi niya ako nirereplayan. Ilang beses ko na siyang niyaya sa vlog ko, hindi niya ako nirereplayan. Nananawagan ako kay Aljur baka puwede tayong mag-collab,” pahayag ni Kris Bernal.


Sa kabila ng pandededma ni Aljur Abrenica sa kanya, aminado pa rin si Kris Bernal na ito ang best leading man para sa kanya.


Nagkasama sila sa ilang mga  teleserye sa  GMA bilang loveteam tulad ng “Dapat Ka Bang Mahalin?”, “All My Life,” “The Last Prince,” “Coffee Prince,” at “Prinsesa ng Buhay Ko.”


Nilinaw din niya na sa kabila ng kanilang pagiging close noon dahil sa kanilang loveteam ay hindi niya naging nobyo si Aljur.


“Wala talaga. Loveteam lang talaga kami. Naparamdam nang konti pero hindi nag-work talaga as real-life couple. Talagang as a loveteam lang. I guess, parang feel ko na naramdaman naman niya that time na parang hindi ako interested. At saka may times na hindi kami nagkakasundo.


“Sa totoo lang, may times na parang nag-aaway kami. Pero kailangan as a love team, sweet-sweetan kami. Alam na alam ng mga love teams yan. Kapag off-cam na, parang hmmm…pinagdaanan ko lahat yan,” pahayag ni Kris.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo