Kathryn Bernardo, Nagpapasalamat Sa Kanyang Team, Sa ABS-CBN at sa Mga Big Bosses!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


Isiniwalat ng aktres na si Kathryn Bernardo, na may gagawin siyang dalawang bagong pelikula. Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN, sa mga Big Bosses, at sa lahat ng taong nasa likod niya sa buong panahon ng kanyang journey sa showbiz.


Si Kathryn ay nakatakdang gumanap sa dalawang pelikula ngayong taon na "A Very Good Girl" at "Elena 1944."


Ayon kay Kathryn ang kanyang kaarawan ngayong taon ay isang big day for her considering she turned 27 at parang nagse-celebrate lang siya ng 20 years niya mula nang magsimula siya sa showbiz noong seven years old pa lamang siya. 


Nagpahayag siya ng taos-pusong pasasalamat sa ABS-CBN, sa kanyang mga big bosses, at sa iba pa.


"With this, I'm grateful to this team, to ABS-CBN, to my bosses, to everybody behind me because nandiyan lang sila. They all have my back. They are allowing me to do things na gusto ko pa i-pursue."


Si Kathryn Bernardo ay isa sa pinakasikat at kinikilalang Filipina actress. Siya ay itinuturing na isa sa pinakamatagumpay na celebrity dahil sa kanyang mga blockbuster movies. 


Siya rin ang may hawak ng highest-grossing Filipino Film of All Time, "Hello, Love, Goodbye". Ito rin ang naging pinakamataas na kita na Pelikulang Pilipino sa Middle East, Australia, at North America. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo