Kathryn Bernardo May Dalawang Upcoming Movies!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 May nakahilerang dalawang movie project para sa aktres na si Kathryn Bernardo na magaganap ngayong taon.


Matatandaan na halos apat na taon na rin ang nakakalipas mula nang mag-box-office hit ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” nila ni Alden Richards.


Kasalukuyan nang nakatakdang bumida si Kathryn sa “A Very Good Girl” kasama ang award-winning Filipina actress na si Dolly de Leon.


Bibida rin si Kathryn Bernardo sa historical film na “Elena 1944”, na ididirek naman ng award-winning filmmaker Olivia Lamasan, base sa ABS-CBN report.


Comeback movie ito ni Direk Lamasan matapos ang huling project niya na “Barcelona” starring Kathryn at Daniel Padilla.


“Napapayag ako kasi Kathryn Bernardo siya. After retiring from the corporate world at si Kathryn ulit ang aking magiging artista. That’s such a blessing and something that I’m really, really very excited about,” pahayag ng direktor. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo