Kat Alano at Alessandra De Rossi Nagsalita Na Sa Pagkakakulong Ni Vhong Navarro

Martes, Marso 21, 2023

/ by Sparkle

 


Nakamit na ng dating TV-host at DJ na si Kat Alano ang hustisya matapos halayin ng isang kilalang celebrity 17 years ago. Ito mismo ang ibinunyag ni Kat sa kanyang twitter account.


Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang misteryosong post ng TV-host, DJ at dating aktres na si Kat Alano tungkol sa panggagahasa sa kanya ng isang male celebrity.


Inihayag ni Kat na nakamit na niya ang hustisya matapos siyang halayin labing pitong taon na ang nakararaan. Sa pamamagitan ng twitter, ibinahagi ni Kat, September 19, ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil sa wakas ay dininig na ang kanyang matagal nang panalangin.




Kapansin-pansin na ang talumpati ng dating DJ ay kasabay ng pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Vhong Navarro para sa kasong act of lasciviousness at rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.


Hindi man lang binanggit ni Kat kung sino ang kinauukulan niya sa kanyang twitter post, halos lahat ng netizens ay nahulaan na para kay Vhong Navarro iyon.


Sa comment section ng tweet ni Kat, nag-iwan ng mensahe ang kaibigan niyang aktres na si Alessandra de Rossi gamit ang bible verse mula sa Exodus.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo