Bea Alonzo, May K Na Magrant Patungkol Sa Mga Manloloko Dahil Ilang Beses Nang Naloko?

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng pahayag ang beteranang showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa mga nambabash ngayon sa aktres na si Bea Alonzo matapos ang maanghang na pahayag nito sa ghosting issue.


Tila ipinagtanggol pa ni Manay Cristy Fermin si Bea Alonzo sa mga nambabash rito at ipinuntong may karapatan si Bea na magrant ng magrant.


"Meron po siyang karapatan na magsalita tungkol sa mga lalaking nanloloko. Dahil minsan sa isang panahon, siya po any nabaon sa isang matinding sakit sa ginawa sa kanya," depensa ni Manay Cristy.


"'Yun po ang maganda kay Bea. Hindi siya natulog... hindi siya talaga nanaginip o binangungot sa karanasan ngayon. Lumaban siya," pagpupuno pa ng kolumnista.


Isa rin umano ito sa patunay na totoong nakapagmove on na si Bea Alonzo sa lahat ng nangyari dahil handa na nitong pag-usapan ang nangyari sa nakaraan.


"Isa po siya sa may pinaka-karapatan na magsalita tungkol sa isyung ito. HIndi natin dapat i-bash. dapat nga, matuwa pa tayo dahil mula po sa napakasakit na pangayayari sa kanyang love life, bumangon siya."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo