Barbie Forteza at David Licauco, May Bagong Proyekto

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Jerome

 

Bentang-benta nga ang tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco nagsimula nga itong pumatok sa serye na Maria Clara at Ibarra.


Maraming mga netizens ang kinikilig sa dalawa kahit na alam naman ng lahat na may boyfriend na itong actress sa totoong buhay at iyon ang hunk actor na si Jak Roberto.


Marami nga sa mga tagahanga nina Barbie at David ang kinikilig sa kanila at sabi pa ng ilan sa mga ito na, bagay na bagay daw ang dalawa na kung wala daw si Jak ay talagang maiisip mo na may relasyon ang dalawa.


Dahil napaka sweet ng dating nila pag magkasama sa kanilang mga eksena, aakalain mo talagang may relasyon ang dalawa.


Dahil sa pumatok ang kanilang tambalan sa katatapos lang na serye na Maria Clara at Ibarra ay binigyang kaagad sila ng follow-up project ng ng GMA 7 sa fantasy series na "Daig kayo ng Lola ko."


Tatagal naman ang serye nila sa Daig kayo ng Lola ko ng hanggang apat na linggo, kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga taga hanga dahil makikita pa nila ulit ang kanilang mga idolo na magkasama sa nasabing palabas.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo