Kapuso Primetime King And Queen Gagawa Ng Pelikula Under Star Cinema!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga entertainment sites na may gagawing pelikula ang Kapuso Primetime Royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera under ABS-CBN film outlet Star Cinema.


Matatandaan na noong kasagsagan ng pandemya, ay kabilang ang mag-asawa sa maraming celebrities na nagpasyang magpahinga sa showbiz. Naging maingat sila pagdating sa kanilang kalusugan, lalo na't mayroon silang mga anak.


Nang lumuwag na ang mga restrictions na dala ng pandemya, nagsimula muli si Dingdong sa paggawa ng mga proyekto. Kamakailan lang ay nagpahayag si Marian na babalik siya sa pag-arte.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, magsisimula na sa taping si Marian Rivera sa susunod na buwan at muling magiging visible ang mag-asawa sa ilang mga projects, teleserye o pelikula.


Kumpirmado na rin ang pagsisimula nang taping ni Dingdong Dantes bago magsimula ang proyekto ng kanyang asawa. Magsisimula na raw mag-taping ang Kapuso Primetime King para sa bagong seryeng Royal Blood bago matapos ang Marso.


Bukod dito, may dalawang kasalukuyang hosting stints ang aktor, ang informative show na Amazing Earth at ang fun game show na Family Feud.


Isa pang tsismis ang kumalat kamakailan lamang, na may gagawing pelikula ang celebrity couple under Star Cinema. Ang pelikula umanong ito ang magiging kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival 2023.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo