Dating Pahayag Ni Liza Soberano Muling Binalikan ng Mga Netizens Matapos Niyang Sinabing Napilitan Lamang Siyang Maging Artista!

Linggo, Marso 12, 2023

/ by Lovely


 Malinaw ang binitiwang pahayag ni Liza Soberano sa kanyang exclusive interview kay Tito Boy Abunda sa programang Fast Talk, na napilitan lamang siya sa pagpasok sa larangan ng pag-arte para sa kanyang pamilya.


"Hindi ko pinangarap maging artista that they assume na gusto ko maging artista ever since when i was a kid. Which is not true," paglilinaw ni Liza.


Dagdag pa niya na napilitan lamang siya gawin iyon dahil nais niyang mapaaral ang kanyang sarili at kapatid, para na rin makapagprovide siya sa kanyang pamilya.


"I had to be an artista para mapaaral ko ang sarili ko, para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko ‘yung family ko."


Subalit ang pahayag umanong ito ni Liza ay kabaliktaran sa kanyang mga sinabi noong nag-aaudition pa lamang siya. Kung saan malinaw din niyang sinabi na bata pa lamang ay nais na niyang maging artista.


“Bata pa lang ako, gusto kong maging actress or model. Naging proud po ako sa sarili ko hindi na po ako masyadong mahiyan katulad ng dati tsaka mas malapit ko pong ma achieve yung dreams goals ko sa buhay.”


Kaya naman marami ngayon sa mga netizens ang napaplastikan sa aktres. Napaka-inconsistent umano nito at hindi sinasabi ang totoo.


May nagsasabi pang lalo pang nakasama sa image ni Liza ang pagpapa-interview niya kay Tito Boy kung saan nagbigay na naman siya ng contradicting words hinggil sa kanyang sarili.


"sabog pero dapat maganda parin, hayyyy Liza ang hirap mo ipag tanggol dzaii"


"James Reid happened that's why. Her perspective changed to a more liberal one, she is Fil-Am after all."


Gayunpaman may nagtatanggol pa rin sa  aktres at sinabing, kung sakaling inamin noon ni Liza na napilitan lamang siyang mag-artista tiyak na hindi siya sisikat kaya norma lamang umano ang pagsisinungaling nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo