John Riel Casimero, Ibinenta Ang WBO Belt Sa Halagang ₱1.2M!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Lovely


 Kontrobersyal na WBO championship belt ni John Casimero na mas kilalang Angas ng Pinas, ibenenta sa negosyanteng si Boss Toyo.


Sa isang episode ng ‘Pinoy Pawnstars’ ng rapper na si Jayson Luzadas rapper na mas kilala bilang “Boss Toyo,” bumisita si Casimero sa Pawn shop nila upang ibenta ang kaniyang WBO belt sa halagang 1.2M.


Nang tanungin ang Pinoy boxer kung bakit niya ibinebenta ang kanyang WBO belt, sinabi nito na magpupursige na lang umano siya makapanalo ng isa pa mula sa ibang world champions sa darating pa niyang mga laban.


“Ibebenta ko to kay Boss Toyo kasi bagay to sa kaniya,” saad pa ni Casimero.


Makatarungan naman umano ang price ng belt ayon kay Boss Toyo dahil world champion naman ito, subalit hindi umano niya afford ang presyo nito dahil kinailangan pa niyang mamuhunan.


Tumawad siya ng 400,000 peos subalit hindi naman pumayag ang Pinoy Boxer.


Sa huli ay nagkasundo na bibilhin na lamang ito sa halagang P1.2 M kung sakaling manalo si Casimero sa kaniyang laban ngayong darating na Mayo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo