Alden Richards May Bagong Aabangan!

Martes, Marso 28, 2023

/ by Jerome

 


Kung wala daw magiging problema ay baka daw sa ibang bansa mag spend ng Holy Week ang kapuso actor na si Alden Richards ngayong darating na buwan ng April.


Ngunit tumanggi muna ang kapuso actor na sabihin kung saang bansa niya gustong pumunta at kung sino ang mga makakasama niyang magbakasyon ng ilang araw.


Saad niya, "Sa Holy Week baka mag-abroad secret nalang kung saan, 1st quarter kasi ng 2023 ko is more on planing in terms sa mga gagawin kung projects."


Pero nitong nagdaang sabado ay nagtungo si Alden sa Anilao Batangas para makiisa sa isinagawang coastal clean-up ng Local Goverment doon kasama ang ilang mga residente doon.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging bahagi si Alden ng isang clean-up drive.


Kung saan ay talagang sumisid din siya sa dagat para mamulot ng mga basura.


Sa panayam ng GMA 7 sinabi ni Alden na isang Eye opener para sa kanya ang makasama sa isang makabuluhang gawain tulad ng mga naging karanasan niya sa paglilinis ng dagat.





  



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo