Cristy Fermin Nagreact Sa Pagbili Nina Vice Ganda at Ion Perez Ng Mamahaling Aso!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng saloobin ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa pagbili nina Vice Ganda at Ion Perez ng mamahaling tao na itinuturing anak nila.


Kamakailan lamang ay ibinahagi nina Vice Ganda at Ion Perez na bumili sila ng Pomerian puppy sa halagang 380 thousand pesos.


Sa latest episode ng programa ni Manay inilahad niya ang kanyang saloobin sa mga natatanggap ngayon pambabatikos ng couple.


“Ako kasi, nauunawaan ko ang pagbili ng fur baby nina Vice Ganda at Ion Perez. Siguro nga ay parang magiging biased ako kasi dog lover ako e, ang buong pamilya namin."


"Ang aso ko po dito sa bahay ay 15, sa probinsya ay mas marami po at talagang mauunawaan po natin ang kaligayahan na ibinibigay ng mga alaga sa ating buhay.”


“Kaya hindi dapat bina-bash si Vice Ganda at saka si Ion Perez kung bumili man po sila ng Pomeranian na nagkakahalaga ng P380,000,” pahayag ni Manay Cristy.


Ipinunto pa niyang pera naman ng dalawa ang pinambili nila ng aso. Hindi naman umano nila ito hiningi o inutang sa ibang tao.


“Oh e ano ngayon kung kulang P400,000 ang kanilang pagkabili. Mura pa nga po 'yan kumpara sa iba. At saka pera po nila 'yan at kaligayahan nila 'yan. Hayaan na natin, ibigay na natin 'yan sa kanila.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo