Priscilla Meirelles, Nag-Flex Sakanyang "No Retoke" Na Mukha!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Ibinandera ng asawa ng aktor na si John Estrada ang kanyang 'No Retoke' na pagmumukha sa kanyang Instagram stories.


Muli na namang hindi nagbigay ng karagdagang impormasyon si Priscilla patungkol sa kanyang IG stories. Subalit nag-iwan ito ng katanungan sa ilang mga netizens kung ano nga ba ang pinagdadaanan nito ngayon.


Kamakailan lamang sunod-sunod ang pagbabahagi ni Priscilla sa kanyang Instagram stories patungkol sa cheating at third party sa isang relasyon.


Unang ibinahagi ni Priscilla ang isang poll question patungkol sa mga babaeng pumapatol pa umano sa lalaking kasal na.


Hindi naman malinaw kung may pinanghuhugutan ba itong personal o nais lang nito magpost ng random thoughts sa kanyang IG Stories.


Si Priscilla Meirelles de Almeida, ang asawa ng aktor na si John Estrada, ay isang Brazilian model, host, actress, environmentalist at beauty queen. 


Noong 2004, nanalo siya ng titulong Miss Earth, ang gabi ng pageant na ginanap sa Pilipinas. Naging Miss Globe din siya noong 2003.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo