Elisse Joson Ibinahagi Ang Date Picture Nila Ni Mccoy De Leon!

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Lovely


 Tila nagbabalik sa dating stage ang celebrity couple na sina Elisse Joson at Mccoy De Leon matapos ang mga pinagdaanan ng mga ito noong nagdaang taon.


Sa Instagram story ibinahagi ng aktres na si Elisse Joson ang larawan nila ni Mccoy na base sa kanyang caption ay kuha mula sa kanilang date.


Ang dalawa ay dumalo sa kasalan nina Verniece Enciso at James Alfred Dichavez.


Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pag-amin ni Mccoy sa hiwalayan nila ni Elisse.


Kasunod nito naglabasan ang mga larawan niya kasama ang isa pang social personality. Agad naman nilinaw ni Mccoy na walang namamagitan sa kanila.


Samantala, makalipas ang ilang linggo muling napapabalita na nagkaayos at nagkabalikan na sila ni Elisse.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo