Walang Pake Coco Martin Hinid Na Napigilang Sagutin Ang Mga Banat Ni Rendon Labador

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Jerome

 


Actor at director na si Coco Martin hindi na nakapagpigil at binuweltahan na ang mga banat sa kanya ng social media influencer na si Rendon Labador.


Mainit at matapang ang sunod-sunog na ibinato ng motivational speakers at social media influencer na si Rendon Labador para sa actor director na si Coco Martin.


Kung matatandaan ay nagsimula ang mga banat ni Rendon kay Coco patungkol sa pagiging abala na nga daw ng programa ni Coco na Batang Quiapo sa mga vendors sa Quiapo.


Hindi lang isang beses ng yari ang pag call out nito kay Coco dahil may pa video post din ito kung saan ay tinawag niya ang actor na anak ng tokwa, at sinabihan na umalis na sa Quiapo at gumawa ng sarili nilang studio.



Kaya hindi na nga napigilan ni Coco at sinagot na ang mga banat nito sa kanya.


Sabi ni Coco, ""Kapag hitik ang bunga talagang may babato at babato sayo."


"Ako, iniintindi ko nalang na siguro yong mga tao, gusto maghanap buhay, o kailangan lang na gawin yun."


"Pero alam ko naman na sana, wala silang masamang intensyon na manggulo, kasi hindi maganda eh."


Dagdag pa ni Coco,  "Pero sa akin kasi, sabi nga nila kung sino yung nakakaunawa di ba, pagpasensyahan mo nalang, unawain mo nalang."


"Ako naman, sabi ko nga, sa lahat ba ng blessing na dumarating, siguro yung pagiging mabuting tao nalang ang binabalik ko, kaysa sa patulan ko or ano."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo