Andrea Brillantes Nagsalita Na Sa Bumatikos Sa Promposal Niya Sa Concert Mismo Ng Blackpink

Lunes, Marso 27, 2023

/ by Jerome

 


Napansin ng sikat na Kpop girl group na Blackpink ang promposal ng actress na si Andrea Brillantes sa kanyang boyfriend noong linggo sa concert mismo ng Backpink sa Philippine Arena.


Nagtaas ng isang placard si Andrea ng may mga nakasulat na "I just wanna ask Ricci Rivero, Will you go to prom with Andrea?"


Nagviral ito dahil sa napansin ito ng mga miyembro ng Blackpink, at tinulungan pa ang actress na si Andrea ng nasabing grupo upang mapa yes itong si Ricci Rivero.


Maraming mga netizens ang natuwa dahil sa ginawang promposal ni Andrea at sa tulong pa ng sikat na Kpop group na Blackpink.


Ang promposal na ito ng actress na si Andrea Brillantes ay para sa darating na ABS-CBN Star Magic Prom sa March 30.


Samantala supalpal ang inabot ng isang basher ng punahin nito ang ginawang proposal ng actress na si Andrea kay Ricci Rivero sa concert ng Black Pink.


Sabi naman ng basher, "Baliktad na pala ngayon panahon. babae na nagyayašŸ˜‚"


Ngunit resbak naman ng actress sa basher na ito, "It's for #StarMagicalProm so yes, ako po talaga dapat dahil ako po yung artist ng Star Magic."


"Also, it's high time we stop shaming girls for making the first move even on other instances."





 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo