Direk Darryl Yap, Ayaw Gumawa Nang Pelikula Tungkol kay Ninoy Aquino!

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang kontrokbersyal direktor na si Direk Darryl Yap sa mga taong patuloy na kinukuntra ang kanyang mga pelikula patungkol sa mga Marcos.


Ayon kay Direk Darryl Yap na malaki ang kanyang pasasalamat sa mga taong naninira at nagbibigay  ng attention sa kanyang mga pelikula.


Dahil umano rito kumita ng husto ang kanyang mga pelikula dahil mas maraming tao ang na-curious kung bakit patuloy itong sinisiraan ng katapat nilang pelikula.


Bagama't sinisiraan may mga paraan na umano ang mga Pilipino at mga netizens upang suriin kung ano ang katotohanan at kung ano ang paniniwalaan.


Samantala, mariing ipinahayag ni Direk Darryl Yap na wala siyang balak gawan ng pelikula si Ninoy Aquino. Ipinunto pa ng direktor na ang pelikulang Martyr or Muderer ay hindi tungkol kay Ninoy.


Ang kanyang pelikula umano ay nagpapakita na minsan sa buhay ng tao ay kailangan din itong magtimpi at magpaka martyr. Subalit kapag napuno ay maari nang makapag-isip ng hindi maganda.


Ayon pa kay Direk Darryl Yap, lahat naman ay nagiging murderer kahit man lang hanggang sa isip lamang. Hindi man tao kundi maging sa mga kaisipan at ibang mga ideolohiya.


Muli, saad ni Darryl Yap ang pelikulang Martyr or Murderer ay hindi lamang sumasalamin sa mga characters sa kwento kundi sa bawat pamilyang Pilipino.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo