David Licauco, Magpapalit Na Ng Image

Martes, Marso 14, 2023

/ by Jerome

 

Mukhang magpapalit na daw ng image ang actor na si David Licauco, kaya hindi na daw siya makikitang nagbibilad ng kanyang hubad na katawan.


Ayon nga daw sa kanya ay mababawasan na kung hindi man tuluyang mawawala ang paggawa niya ng mga proyekto kung saan kailangan niyang maghubad at magpakita ng katawan.


Napakalaki nga daw ng naitulong sa kanyang showbiz career ang pagganap niya bilang Fidel sa serye na Maria Clara at Ibarra.


Sa serye na ito din sumikat at na buo ang loveteam nila ni Barbie Forteza na mas kilala bilang FiLay.


Matapos nga ang serye nila na ito ay agad naman sila binigyan ng isang Follow-up project ng Kapuso Network.


Sila ay gaganap sa Daig Kayo Ng Lola Ko na may pamagat na Lady and Luke na isang child friendly fantasy drama anthology.


Kaya ayon kay David na dapat ay child friendly nadin ang image niya ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo