Judy Ann Santos Nakarelate Sa Naramdaman Ni Liza Soberano!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


Umaani ngayon ng samu't-saring komento at pambabatikos ang mga binitiwang pahayag ni Liza Soberano patungkol sa kanyang karera sa showbiz sa loob ng maraming taon.


Samantala sa isang panayam, inamin ng aktres na si Judy Ann Santos na dumating na siya sa punto ng kanyang buhay na mas priority na niya ang kanyang pamilya kaysa sa kanyang trabaho sa showbiz.


Sa kabila nito nilinaw naman niya na labis ang pa rin ang pagpapahalaga sa kanyang trabaho bilang aktres dahil ito ang naging butter at bread sa kanyang buhay noon.


Subalit, mas mahal na umano niya ngayon ang kanyang pagiging ina at focus na rin siya sa kanyang negosyo.


Ayon kay Juday, sa tagal nang inilagi niya sa showbiz ay tila panahon na rin na magiging mapili siya sa kanyang mga projects.


“I grew up in this business. I’ve been acting since I was 8. I guess, I now deserve to be picky with projects. For most of my life, I was surrounded by people who would dictate to me what I should do, ” saad ng aktres.


“I also had no say over the coactors I got to work with. I’m done with all of that now. These days, I only choose projects that I feel will help shape my career as an actress,” paglilinaw pa ng aktres.


Ipinunto rin ni Judy Ann Santos, na mas nais na niya ngayon na may sey na siya sa kanyang mga projects at sa makakasama niyang co-stars.


“I want to be in charge of the projects I’m doing. I want to be the one calling the shots. This is not because I’ve now turned into a diva, but because work would now depend on the amount of energy I have,” lahad ni Judy Ann Santos.


Samantala, may ilang netizens na nagsasabing relate na relate ang sinabing ito ni Juday sa umay factor na nararamdaman ngayon ni Liza Soberano.


Meron namang nagdi-disagree at nagsasabing hilaw pa ang umay factor ni Liza kumpara sa mga naging karanasan ni Juday na isa nang icon.


May mga nagpayo kay Liza na gayahin si Juday na na-earn muna ang respeto ng industriya bago naging ‘reklamador’ diumano.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo