Jake Cuenca ‘Nililigawan’ Si Chie Felomino!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


 Agad na napansin ng mapanuring mata ng mga netizens ang palaging pag rereact ng actor na si Jake Cuenca sa mga social media post ng sexy actress na si Chie Felomino.


Sa recent post nga ni Chie kung saan nagbahagi siya ng video niya habang umaawra hawak ang cellphone at nakasuot ng asul na bikini ay nag-like si Jake at nag-comment pa ng fire emoji.


May ilan namang followers ng dalaga na pinansin ang pagkomento at paglike ni Jake sa nasabing post ni Chie.


“Aga ahhhh.”


“Ok but i think crush mo si chie.”


“Galaw galaw na haha consistent si @juancarloscuenca.”


May mga naghihinala pang may balak na ligawan ni Jake si Chie dahil sa galawan nito ngayon sa bawat social media post ng sexy actress.


Ayon naman sa ilan na walang masama sakaling manligaw si Jake Cuenca kay Chie Felomino dahil pareho naman silang single. Nasa desisyon naman umano ni Chie kung sasagutin niya ang aktor.


Narito ang Intagram post ng aktres: https://www.instagram.com/reel/CprpQIxDrGX/?utm_source=ig_web_copy_link

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo