Cristy Fermin Sinabing Nagbabait-baitan Lamang si Alex Gonzaga sa Kanyang Vlog!

Biyernes, Marso 10, 2023

/ by Lovely


Sa latest episode ng Showbiz Now Na!, naikwento ni Cristy Femin na nababasa umano niya ang mga komento sa vlog ni Alex Gonzaga.


Ayon kay Cristy Fermin nababasa niya na may nagsasasabing nagbabait-baitan lamang umano ang actress, host-vlogger.


Lalo na iyong mga tungkol sa pagtulong at pagsurpresa sa kanyang mga fans na inilabas niya matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan niya noong selebrasyon pa naman ng kanyang kaarawan.


"Yung mga vlogs talaga ni Alex na bait-baitan, kinikwestyon talaga ano? Nababasa ko 'yung mga komento," pahayag ni Cristy Fermin.


Agad naman itong sinegundahan ni Romel Chika, "Nakakalungkot lang no, ang ganda nu'ng gesture. Pero 'yung pagdating, pagtanggap... implementation parang 'di natin ma-absorb."


"Parang nababalewala e no?" saad niya kay Cristy.


Sinundan din niya ng katanungang, "Kailan kaya nila mabubura ito?"


Sinasabing may kaugnayan pa rin umano ito sa kontrobersiyang kinasangkutan nito sa pamamahid ng icing ng cake sa waiter na nagdala nito sa kanyang birthday celebration. 


Malaki ang naging epekto nito sa imahe ni Alex kung saan lumabas pa ang ilang mga nagpakilalang nakatrabaho niya at isiniwalat ang mga hindi magagandang karanasan nila sa TV host comedian. 


Bagama't sinasabing nagkasundo na sila ng waiter, marami pa rin ang tila hindi kumbinsido at patuloy pa ring binabash si Alex sa taglay na totoong kulay nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo