Cristy Fermin Pinapatigil Sa Dennis Padilla Sa Pagbati Kay Julia Barretto!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Naging laman sa talakayan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, ang pagbati ni Dennis Padilla sa kanyang anak na si Julia Barretto.


Sa nasabing mga post, ipinahayag ni Dennis ang kanyang birthday wishes para kay Julia, na naging 26 anyos noong March 10.


Sa pinakabagong episode ng “Showbiz Now Na,” ibinahagi ni Cristy at ng kanyang mga co-host ang kanilang saloobin tungkol sa hindi umano pagsagot ni Julia kay Dennis.


“Natural po, yung mga kampi kay Dennis, lalo na 'yung mga kaibigan niyang artista rin, masama ang loob doon sa mga bata."


"Kasi eto na 'yung ama niyo nagpapakumbaba na, talagang siya na ang nagri-reach out siya na ang lumalapit sa inyo, pero eto kayo, kababata niyo pa lang ganito na ang ginagawa niyo sa magulang niyo,” pahayag ni Cristy Fermin.


“Pero 'yung mga kampi naman sa magkakapatid, 'Nasaan ka kasi noon nu'ng kailangang-kailangan ka ng mga anak mo? Wala ka naman,” dagdag pa ni Cristy Fermin.


Ipinahayag naman ni Romel Chika na mahirap mag-judge sa sitwasyon ng mag-aama dahil hindi naman nila ipinahayag ang totoong nangyari sa kanilang pamilya.


Gayunpaman, sinabi ni Manay Cristy na mas mabuting itigil na muna ni Dennis ang pagbabati sa kanyang mga anak upang hindi na ito masasaktan sa mga pambabalewa ng mga anak.


“Napakasakit para sa isang ama na tulad ni Dennis Padilla at sa kanyang paryentes, sa kanyang kampo 'yung hindi man lang pinapansin ng mga anak ang kanyang pagbati.” pahayag ni Cristy Fermin.


"Sana itigil muna niya. Baka sakaling ma-miss ng mga anak niya. At maisip nila, 'Nasaktan na ng husto si Papa. Baka panahon na para sagutin na natin ang kanyang mga pagbati,” dagdag pa ng kolumnista.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo