Juliana Segovia, Sinubukang Ibenta Ang Mga Napanalunang Korona at Trophy Sa Ms Q&A Sa It's Showtime!

Biyernes, Marso 17, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon online ang isang ibihaging video, kung saan makikitang sinubukan ibenta ng 1st Grand winner ng Ms. Q&A sa It's Showtime na si Juliana Segovia ang lahat ng napanalunan niyang korona at trophy mula sa nasabing kompetisyon.


Inilabas ng isang Youtube channel ang pagbibinta ni Juliana sa kanyang mga napanalunan sa halagang 1 million pesos.


Ayon kay Juliana, ang sampung korona na napanalunan niyang kada araw bago siya maging hall of famer ay tig-P20,000 ang bawat isa. 


Ang korona naman niya sa Grand finals ay nagkakahalaga ng P450,000. Maging ang trophy na gawa ng isang kilalang artist ay sinama niya rin.


Nagkatawaran sila ngunit hanggang P400,000 lang ang kayang mai-offer ni Boss Toyo. Hindi na ito tinanggap ni Juliana dahil aniya ay kahit hanggang P800,000 lamang ang kaya niya itawad sa kanyang mga napanalunan.


Samantala umani naman ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens.


May mga nagsasabing sana'y tinanggap na lamang umano ni Julia ang 400 thousand.


"400k panalong panalo na sya nyan tinangihan pa!, kahit sa normal na pawn shop walang bibili nyan, kung mag papawnshop ka dapat ang bibilihin mong gamit is yung alam mong may bibili, di naman yan iconic item ng pilipinas para maging 1M, hindi rin sya legend ng Pilipinas"


Si TJ Ortega o mas kilala bilang si Juliana Parizcova Segovia ay nakilala sa mundo ng showbiz nang tanghaling Miss Q & A grand winner sa noontime show ng ABS-CBN na "It's Showtime" noong 2018. 


Ang Miss Q & A ay isang kompetisyon ng It's Showtime para sa mga miyembro ng LGBTQ community. Inamin naman ni Juliana sa isang panayam na naubos na ang kanyang 1 milyong piso na napanalunan sa nasabing patimpalak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo