AJ Raval, Back to School, Netizens Nag-React!

Huwebes, Marso 16, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang larawan ng sexy actress na si AJ Raval na may sakbit na school bag.


Aprubado sa mga netizens na back to school si AJ Raval at sa suot nitong t-shirt na may nakasulat na “ALS”. Napag-alaman na naka-enroll si AJ Raval sa Alternative Learning System.


Kaya naman, kung noo'y marami ang nambabash sa actress, sa ngayon ay tila napalitan na ito ng paghanga at papuri.


Ngayon, sa halip na “kabit” “I love AJ” na ang mga nababasa sa comment section ng kanyang ibinahaging larawan at sa ginawa niyang pagbabalik sa school, marami raw maeengganyo na gayahin siya.


May nag-comment pa na dapat, noon pa niya binalikan ang pag-aaral para hindi siya naba-bash. Ayon pa sa ilang mga netizens na kung ma-bash man si AJ ay may pambalanse.


Ito ay ang good comments na nababasa sa social media account ni AJ ngayon.


Maging ang maraming nakapagtapos sa ALS ayvery proud din sa hakbang na ginawa na ito ni AJ. Hindi man nilagyan ng caption ni AJ ang kanyang post, positibo naman ang dating nito sa mga netizens.


Kung may basher man, hindi na masyadong harsh ang mga komento ng mga ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo