Cristine Reyes, Marco Gumabao, Magkasamang Nagbakasyon sa Siargao!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Iniintriga ngayon ng ilang mga netizens ang Martyr or Murderer actors na sina Marco Gumabao at Christine Reyes dahil nakita umano ang dalawa na magkasama sa Siargao Island.


Tanong pa ng mga ito at maging ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, may namumuong relasyon na ba sa pagitan nilang dalawa?


May mga nagsasabi naman na baka ay gimik lamang ng dalawa ang upang mapag-usapan maging ang kanilang pelikulang Martyr or Murderer na patuloy pa rin ipinapalabas sa mga sinehan ng bansa.


Samantala, naitanong mismo ni Ogie Diaz kay Marco Gumabao kung may relasyon na nga ba sila.


Subalit, sinagot lamang ito ni Marco na si Christine na lamang ang tanungin nito.


“Basta maniwala na lang tayo kung ano sinabi nila. At the end of the day, eh, sila naman ‘yon. Kung nagsasabi sila ng totoo, eh di bongga sila, palakpakan nila ang kanilang sarili. Kung hindi naman ay intindihin na lang natin. Baka naman meron silang pinoprotektahan,” reaksyon ni Ogie.


Samantala, wala pa namang inilabas na pahayag ang actress na si Christine Reyes sa balitang ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo