Barbie Forteza Handang Maghintay!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Jerome

 

Game na game nga daw pumila ang kapuso actress na si Barbie Forteza para sa kapamilya leading man na si Jushua Garcia.


Nadagdag nga si Barbie sa listahan ng mga celebrities na nagnanais makatrabaho at makatambalan ang actor na si Joshua Garcia.


Ayon nga daw sa girlfriend ng hunk actor na si Jak Roberto nasi Barbie Forteza na kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay gusto daw niyang makacollab ang magaling na actor na isa ding TikTok super star ngayon.


Tila handa naman daw maghintay ni Barbie sa tamang panahon para makasama niya ang actor na si Joshua sa isang project.


Sa isang YouTube vlog nga ng broadcast journalist na si Karen Davila ay natanong nga daw dito si Barbie kung sino ang gusto niyang makatambal sa mga kapamilya stars, at nabanggit nga niya ang pangalan ni Joshua Garcia.


Kuwento ng actress na talagang pinanood daw niya ang isa sa mga pelikula ng actor sa sinehan. "Napanood ko po siya sa Vince and Kath and James, pinanood ko po yun sa sinehan. pagbabahagi ng actress."


Samantala ang ilan naman na mga celebrities na gustong makatrabho ng actress in the future ay sina Jerico Rosales, Joel Torre at Nonie Buencamino.


Hindi naman daw imposible ang nais ni Barbie dahil puwede na daw kasi ngayon na magsama ang mga celebrities ng GMA7 at kapamilya network dahil hindi naman daw uso ngayon ang network war.  


Tulad nga nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na pinagsama sa isang pelikula ang Hello Love Goodbye, na talaga namang pumatok sa takilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo