Content Creator Na Si Chiyo dela Vega May Mensahe Sa Asawa Ni John Estrada!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Lovely

Isiniwalat na ng model at content creator na si Chiyo dela Vega ang kanilang conversation ng asawa ni John Estrada na si Priscilla Meirelles.


Matatandaan na naging sunod-sunod ang mga banat ni Priscilla ng tila pahiwatig na may nanlalandi sa kanyang asawa.


Matapos ang ilang araw ng panghuhugot ni Priscilla inilabas naman ni Chiyo Dela Vega ang conversation nila thru chat kung saan tinatanong ng asawa ni John ang kanyang interaction sa aktor.


Makikita rin sa nasabing mga mensahe, na si Priscilla ang unang nagchat kay Chiyo, at ipinakilala ang sarili bilang asawa ni John.


“What kind of business do you have with my husband? Let me introduce myself, I am Priscilla Estrada, wife of John Estrada, in case you don’t know.”


Agad naman itong sinagot ni Chiyo na wala silang anumang interaction at nagkita lamang sa iisang event.


Subalit, hindi pa rin tumigil si Priscilla at sinabing nakita niya ang conversation ng dalawa na hindi appropriate dahil kasal na ang lalaki.


Doon din umano niya nakuha ang number ni Chiyo.


“I came across a Viber conversation between the 2 of you that it is not appropriate. You know he is married right?! That’s how I got your #,” mensaheng muli ni Priscilla.


Muli namang nilinaw ni Chiyo na kinuha lamang ni John ang kanyang number para sa event, wala nang iba. Nilinaw din niyang hindi sila nagchat ni John.


“What conversation? I’m pretty sure na hindi po kami nag chat. Hiningi lang po nya contact no. ko because for the event lng daw po. But I swear hindi po kami nag chat since.”


Iginiit din ng content creator model na alam niyang may asawa na ang aktor at wala siyang balak na patulan ito.


Sinabi pa ni Chiyo na hindi siya ang dapat tanungin ni Priscilla kundi ang husband nito.


Gayunpaman, tila hinamon naman ni Priscilla si Chiyo at sinabing magmeet sila sa Cebu sa darating na April 6 upang magkaharap-harap silang tatlo.


“Going to Cebu this April 6, let’s meet. Since you are so friendly. Bringing the whole family including him.”





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo