Tukoy Na! Lalaking Pumaslang De La Salle Student Na Si Queen Leanne Daguinsin!

Biyernes, Marso 31, 2023

/ by Jerome


Na tukoy na ang lalaking suspek sa pagpaslang sa 22 taong gulang na computer science student ng De La Salle University na si Queen Leanne Daguinsin.


Ang mga Otoridad ng  ‎DasmariƱas ay bigay todo sa pagkakalap ng mga CCTV footage sa tulong ng mga Brgy. Captain ng Lugar kung saan ay posibleng dinaanan ng suspek.


Mula sa Dormitoryo ng bektimang si Leanne ay na track umano ang dinaanan ng suspek sa tulong ng mga CCTV footage na nakalap ng kapolisan. 


Kaya naman natuntun na ng mga otoridad ang inu-upahang apartment ng suspek sa  Santa Fe.


Ngunit ng mapasok na ang bahay ay wala na doon ang suspek dahil ito ay naka sibat na.


Pero ang ilang mga kagamitan ng Bektima ay naroon pa at pati na rin ang mismong suot ng suspek na blue t-shirt, short at sling bag na nakita sa CCTV footage habang ito ay patakas.


Na tukoy na ang pagkakakilanlan ng masamang tao na ito, siya si Angelito Erlano residente ng brgy. San Necolas 2 sa nasabing lungsod.


Napag-alaman din na ito ay nakulong na dahil sa pagkasangkot sa isang kaso ng pagnanakaw noong nakaraang taon. 


Kaya naman dahil sa hindi parin natatagpuan ang nasabing suspek ay itinaas na ang reward money para sa kanyang agarang pagkakahuli.


Mula sa 600,000 pesos ay itinaas na ito sa 1,100,000 pesos dahil dinagdagan pa ito ni Congressman Pidi Barzaga at ng kanyang asawa.







 
 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo