Coco Martin Binanatan at Sinabihang "Matigas Ang Mukha Mo" Ni Rendon Labrador Na Isang Influencer !

Monday, March 13, 2023

/ by Jerome

 

Rendon Labrador isang social media personality na galit na galit umano ngayon kay Coco Martin ito ay may kinalaman sa isinasagawang taping ngayon ng FPJ's Batang Quiapo.


Dahil labis daw nitong na apektohan ang mga hanap buhay ng mga vendors doon, saad ni Rendon Labrador, "Hindi paba tumitigil, tigas ng muka mo Coco Martin, kailangan pabang sabihan kita ng dalawang beses na ang laking abala ng show mo jan, sa mga negosyanting vendor diyan sa Quiapo."


Dagdag pa niya, "Kung hindi mo babayaran lahat ng damages at loses sa paggamit mo ng lugar, umalis-alis kana diyan para sa publiko at mamamayang pilipino."


"Ginawa mong pang sarili mo lang hindi ka Batang Quiapo isa kang anak ng tokwa."


Saad pa ni Rendon na "kung wala kayong budget para magtayo o magrenta ng sarili niyong studio, itigil na ninyo yan kalukohan ninyo na yan, istorbo kayo sa mga naghahanap-buhay diyan sa Quiapo."


Matatandaan na nag viral din kamakailan ang isang Facebook post ng isang netizen kung saan nagrereklamo siya dahil sa pagbaba ng benta nila, dahil sa taping ng FPJ's Batang Quiapo ni Coco Martin.





No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo