Liza Soberano, Nilinaw Ang Usaping Commission! Mas Malaki Na Ang Net Kay James Reid!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


Nilinaw na ng aktres na si Liza Soberano ang usapin hinggil sa 40% commission ni Ogie Diaz na nakukuha umano mula sa kanyang kinikita sa kanyang pag-aartista under sa management nito.


Sa exclusive interview ni Liza Soberano sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nilinaw ni Liza na hindi 40% ang nakukuhang komisyon ni Ogie Diaz mula sa kanya.


Ayon kay Liza, 12-anyos siya nang magsimulang i-manage ni Ogie hanggang sa mag-17 na siya.


“30 percent po ‘yung commission niya sa akin hanggang 2015,” paglilinaw ni Liza.


Dagdag ng aktres, 20% ng talent fees niya ay napupunta sa kanyang tiyahin habang 10% naman sa Star Magic.


Kaya lang ang natitirang 40% ng kanyang kita ay binabawasan pa ng mga US tax at Philippine tax dahil isa siyang US citizen. Kaya naman nasa 30% lamang ang naiuuwi niyang kita para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.


Dahil dito napagkasunduan nina Ogie Diaz at kanyang Tita Joni na bawasan nila ang kinukuhang commission mula sa talent fees ni Liza.


Mula sa 30% naging 20% na lamang ang commission ni Ogie Diaz at mula sa 20% na commission ng kanyang Tita Joni ay naging 15% na lamang.


Malaki ito sa kasalukuyang nauuwi na kita ngayon ni Liza under sa management ng Careless at under kay James Reid bilang bagong manager niya.


Ayon kay Liza nauuwi na niya ang 80% ng kanyang kita dahil si James na lamang ang humahawak sa career niya sa Pilipinas.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo