Vhong Navarro Abswelto Na Sa Mga Kasong Isinampa Deniece Cornejo!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


 Ibinasura na ng Supreme Court ang mga kasong rape at acts of lasciviousness na isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo laban sa comedian at TV host na si Vhong Navarro.


Mababasa sa 43- page ruling ng Third Division, ang pagbabasura ng mga kaso laban kay Navarro dahil sa “lack of probable cause”.


Ipinagkaloob naman ang Petition for Review on Certiorari na inihain ng legal team ni Vhong Navarro.


“Accordingly, the Court DISMISSES the following Informations against Ferdinand ‘Vhong’ H. Navarro for lack of probable cause,” saad ng ruling.


Matatandaan na noong September 2022 ay nakulong si Vhong Navarro sa NBI Detention Center sa bisa ng dalawang warrant of arrest dahil sa isinampang rape at acts of lasciviousness cases laban sa kanya ng model na si Deniece Cornejo.


Noong December 2022 naman ay nakalaya si  Vhong Navarro nang payagan siyang magbail ng 1 million ng korte.


January naman nitong taon, muling nakabalik si Vhong Navarro sa pagiging host ng noontime show na It's Showtime.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo