Liza Soberano Nilinaw Na Ang Totoong Nangyari Sa Kanyang Nawalang Social Media Posts!

Lunes, Marso 6, 2023

/ by Lovely

Nilinaw na ng aktres na si Liza Soberano ang totoong nangyari sa kanyang mga social media post na inakala nang lahat na tuluyan nang binura.


Sa panayam kay Liza Soberano ng Kapuso actress na si Bea Alonzo isiniwalat ni Liza ang nangyari sa kanyang mga social media post partikular na sa kanyang Instagram account.


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang biglaang paglaho ng mga social media post ng aktres na pinag-ugatan pa ng hinalang na-hack ang kanyang account.


"I thought that I wanted a fresh start to everything so I archived all my post. I didn't delete it don't worry. and I'll bring them back eventually when I'm ready," paglilinaw ni Liza.


Inamin din ni Liza na naka-unlisted ngayon ang lahat ng mga video sa kanyang Youtube channel dahil nais umano niyang ipakita sa kanyang mga subscribers ang bagong siya.


"And even my YouTube, I unlisted everything. I think it's time that people see me in a different light," giit pa ni Liza. 


Isa rin sa nilinaw niya ay ang kanyang showbiz career sa bansa na hindi pa rin naman daw niya iiwan. Gayunpaman, ang focus pa rin umano niya sa ngayon ay ang kanyang tinatrabahong Hollywood career.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo