TVJ, Papalitan ni Alden Richards sa Eat Bulaga!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa kanilang Youtube vlog ang bali-balitang si Alden Richards umano ang napili ng mga Jalosjos na papalit sa TVJ sa nasabing show.


Ayon pa sa talakayan nina Manay Cristy Fermin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang standing ng TVJ sa Eat Bulaga. Hindi pa rin umano tiyak kung mananatili pa nga ba ang mga ito sa show.


May mga isyu pa diumanong hindi nasi-settle sa pagitan ng TVJ at ng mga bagong namumuno sa TAPE Incorporated.


Kaya naman sa muling pagbabalik ni Alden Richards sa show noong Sabado tila nabahiran pa ito ng kontrobersiya at iniisip pa ng ilan na ang aktor ang siyang papalit sa original hosts na TVJ.


Ang pagbabalik umano ni Alden ay isang malaking plano ng mga Jalosjos sa pagtake over nito sa Eat Bulaga. Si Alden na umano ang magiging main host ng nasabing show.


Subalit, ang  mga haka-hakang ito ay kaagad na inalmahan ng ilang mga netizens at maging ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin.


Pagpupunto pa ni Manay Cristy na sakaling matutulong ang planong ito tiyak na tatanggap ng samu't-saring bashing si Alden Richards dahil lalabas na tinraydor niya ang TVJ.


Matatandaan na malaking tulong sa career ni Alden ang pagkuha sa kanya ng TVJ upang maging guest host ng show at doon na nagsimula ang phenomenal love team nila ni Maine Mendoza na Aldub.


Ayon pa sa kanila na kung sakali mang tatanggapin ito ni Alden tiyak na ito ang magiging daan ng kanyang pagbagsak dahil kailanman ay hindi umano nito mapapalitan ang TVJ.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo