Anyare! Heart Evangelista Pina-Karga Lang Ng Silya Sa Paris!

Friday, March 10, 2023

/ by Jerome

 

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga bagong post ng International model at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang Instagram account ang larawan na nagbuhat siya ng isang silya.


Kapansin-pansin ang larawan ni Heart na karga-karga ang isang silya ang litratong ito ay kuha sa Paris France.


Makikita nga ang fashion icon na si Heart na walang kaarte-arte na nagbubuhat ng isang silya gamita ang kanyang dalawang kamay sa kalsada ng Paris.


Ayon naman kay Heart ay nagdedecorate lamang daw siya sa kanyang nabiling apartment doon sa Paris.


Ang apartment daw na ito ay ang kanilang tinutuloyan sa tuwing may project sila sa nasabing lugar, tinutulongan naman daw siya ng kanyang mga kaibigan at mga kasama doon, upang maayos ang kanyang apartment.


Sabi nga niya sa caption ng kanyang post ay, "The struggle is real but definitely —- satisfying ! Decorating and fixing a home is one of my ultimate favorite thing to do!"


"Thank you to all my loved ones here in Paris for helping me (3/4 days during fashion week) complete my sweet home." πŸ«ΆπŸΌπŸ«°πŸΌπŸ¦‹πŸ™ƒπŸ₯

Marami naman sa kanyang mga tagahanga ang bumilib masyado sa kanya dahil sa kabila nga ng kanyang pagiging sikat at mayaman ay hindi ito naging maarte. 


Marami din ang mga natuwa sa kanya dahil makikita nga sa post na puro positibo ang mga naging reaction ng mga netizens ukol dito.

 

No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo