Antonette Gail, Tinalakan Ang Netizen Na Nang-Bash Sa Anak Niyang Si Meteor!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Agad na tinalakan ni Antonette Gail Del Rosario ang isang netizen na inedit ang larawan ni Baby Meteo at nilait pa ito.


Ayon kay Antonette na napakasama ng ginawa ng basher sa kanilang inosenteng anak ni Whamos.


Higit pa rito, sinabi ni Antonette na wala silang pakialam ni Whamos na ma-bash pero hindi sila magdadalawang-isip na lumaban kung ang anak nila ang ma-bash online.


Dagdag pa ni Antonette na maaari silang gumawa ng legal action laban sa netizen at iba pang magtatangka na i-bash si Meteor sa social media.


“MAKAKITA PA TALAGA KO NG GANITO PAPARANAS KO SAINYO MAG HIMAS REHAS!!! Grabe kayo walang kinalaman yung bata kung ano ano pinag gagawa niyo!!!! Sinasabi ko sainyo na di baleng ako nalang anuhin niyo wag lang yung anak ko,” pagbabanta ni Antonette.


Makikita sa edited picture, na pinalitan ng mukha ni Baby Meteor ang mukha ng isang unggoy na talaga namang nakaka-offend sa kahit sinong magulang.


Agad naman nagkomento ang mga fans nina Whamos at Antonette at pinayuhan ang couple na ipakulong ang tao sa likod ng edited picture.


"Tama... sampulan mo sila para magtanda pati batang walang kamalay Malay ganyan ang ginagawa.. hindi sila gumawa ng sarili nilang content or mag sikap para nmn sumikat sila. yan ang hirap sa tao masyadong inggit sa taong umaangat ang buhay."


"Grabe naman yan pati bata dinadamay, dapat dyan ipakulong na para malaman nila hinahanap nila. Karma is waving"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo