Lotlot De Leon, Nakilala Na Ang Biological Father!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ng adopted daughter nina Nora Aunor at Christopher De Leon na si Lotlot De Leon, na sa wakas ay nakilala na niya ang kanyang biological father sa Olongapo, kung saan siya ipinanganak.


Noon pa man ay alam na ni Lotlot na ampon lamang siya nina Nora Aunor at Boyet De Leon.


“Didn’t knew what it meant before until my mom sat with me one day and explained. She said the difference between me and Ian was that my brother came from her stomach, I was a gift from above. (Mom pointing at mama Mary the statue.),” pagbabahagi ni Lotlot.


“Cried for hours after that. Not because I didn’t know who my real parents were but because I wanted to be like Ian too, na galing din sa stomach nya because I love my mom so much gusto ko totoong anak din nila ako ni dad."


Sa kabila ng kaalamang ito ay hindi siya nagtanim ng masamang loob sa kanyang mga totoong magulang at ipinagdasal pa na makilala ang mga ito balang araw.


Matapos ang ilang taon, nagpunta si Lotlot sa Municipal Hall ng Olongapo upang magtanong-tanong kung may nakaalala pa ba sa kanyang mga magulang.


“Since sa olongapo nga ako pinanganak. Sabe ko suntok sa buwan I’ll ask kung may alam sila sa totoong tatay ko. I was able to speak to someone who accommodated me and since alam ko na name ng father ko I gave the details of the information I had.”


Matapos ang ilang araw ay nakatanggap umano siya ng buong pangalan ng pinaghihinalaang ama niya.


Sinubukan umano niyang mag-email rito upang magtanong kung ito ba ang kanyang ama.


“I wrote.. ‘Hi Mr. Olson, my name is Lot de Leon, my biological moms name is Eva Rodriguez.. are you my father?’ Something like that, then he replied and said. ‘Yes, I know who you are.’ ‘I’ve always known about you I carried you in my arms when you were born.’ My jaw dropped & the rest is history,” pagbabahagi ng aktres.


Lubos naman na ang pasasalamat ngayon ng aktres sa mga kabutihang naganap sa kanyang buhay lalong-lalo na ang pagkikita nila ng kanyang totoong ama.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo